taken by PAO <3Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. Flickr. Folio. more?

 

Past
paoloruiz
I Think You Are As Well
Three Lights
Brushing the Load
Three Inches Thick
paoloruiz
paoloruiz
Rip off my shirt. Please.
Oh Yeah! Im Smiling!
paoloruiz

Reads

Dan. Migs. Pepe and Jin. Vins. AR. Ailene. Gigi. Bryant. Crizzy. IE. Dean. Joeven. Jessica Zafra. Ich. Fred. RSio. Saab Magalona. Ping Medina. Closa.

Support

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from Tela at Tinta. Make your own badge here.

Support Tela at Tinta Designs
Buy a shirt now!

Inspiration
Inksurge
Post Secret
Team Manila
The Asylum
Guadakomeda
Hue Visualab
WeWorkForThem
Electrolychee
Designgraphik

Sunday, December 31, 2006

Sobrang Metal ni Miki

December 31, 2006
9:06 pm

So I took me about three minutes to finally decide whether I shall fry two or three hotdogs this morning. Two would be as if not enough, but three might be too much. Their sizes are too big for a regular hotdog, but a bit small too be considered as jumbo. It is hard to describe them in words. Maybe if you can see my hands do the gestures, then you might (there is a slight chance) get me.

I decided to fry two anyway. But I also considered cooking two and a half. But then, the other half may be wasted for the person who is supposed to cook it possibly be turned off for it is too small already. Bottom line is: I cooked two.

Tapos naisip ko kung gaano kakulay and December ko. Oo, makulay. Punong puno ng surprises. Hindi masyadong matingkad, pero sapat na upang magbigay buhay sa madilim na kalye na aking inaasahan. Halos buong December din pala ako hindi nagsulat, kaya hayaan nyong dumaldal ako dito. Sa pamamagitan nga lang ng keyboard at ng papel sa MS Word. Labo.

Nagsimula ang unang surprise nung kaarawan ng isa sa mga mabubuti kong kaibigan. Kaarawan ni Dan. Heto siya.

Dan 2


Tatlo lang dapat kami ni Dan at Sharie na mag-didiwang sa Yellowcab. Pero anak ng patola na nakababad sa tinapa, may isang dumagdag. Lumitaw yata sa pitaka ni Sharie si George. Bakit surprise? Eh parang kahapon lang nasa Canada to eh. Tapos nasa Yellowcab na. Anlabo talaga. Kaya naman, halos siya ang subject of conversation nung gabing iyon. Daming kuwento. Mas madami pa sa nakain ni Sharie. At sa pizzang iuuwi ko sana. Masayang tawanan lang ang naibaon ko. Sapat na iyon para sa magandang gabi.

dan 1


George, Sharie, Dan, Ako

Ang susunod ay ang pag-gawa ko ng advertisement para sa aking unibersidad. Naks. Isa ako sa mapapalad (or sinumpang) director upang gumawa ng commercial ng FEU. Ayos. Hindi ako masyadong excited, pero natutuwa ako. Kasi nakangiti ako ngayon. O baka naman natatawa lang.

Eto ang malupit. So, dumating na ang Christmas shopping time. Sinamahan ko ang aking pinakamamahal na Girlfriend na si Wichan, upang mamili ng mga ipangreregalo sa mga mahal niya sa buhay. Dala na rin naming ang regalo naming para sa isa’t isa. Pero hindi pa namin maaaring buksan hangga’t hindi pa tapos ang araw. Kaya napakahirap. Susulyapan mo ang regalo, kakapain, magtataka, aamuyin, at huhulaan ang laman nito. Ngunit mali ka. Hindi mo ito mahuhulaan. Dahil hindi parang kotseng nakabalot sa gift wrapper, mahirap malaman ang regalo pag nakalagay sa paper bag ng Girbaud.

Tapos tapos tapos, dumating na ang panahon upang bubuksan na naming ang ragalo naming. Nauna siya. Siyempre. Natuwa siya sa binigay ko sa kanya. Kahit alam na niyang libro iyon, hindi naman niya alam ang title. So may element of surprise parin kahit papaano. Ang pamagat ay Life of Pi. Isa iyon sa mga gusto niyang libro. Sa fully booked ko nabili. Anlamig.

Eto na ang malupit. Turn ko na. akala ko, belt na astig, o wallet na mahaba. Girbaud ba naman ang lalagyan. Pero ang laman:
IPOD SHUFFLE

Yes ladies and gentlemen. My lovely girlfriend gave me a fuckin ipod shuffle. Something I dreamt of having. Something that I stared at whenever I pick her up from her office. Something that I really can use while doing my long walks, picturing moving images, and standing for about 47 minutes inside LRT.

Sobrang astig. Malabog kasiyahan. Ipod shuffle pare. Hindi ko ipagpapalit iyon sa kahit anong tsokolate o gitara. Ipod talaga. Hindi yung kamukha lang. Tunay na ipod. Hindi aypad.

So, mayabang na ako nung mga sumunod na araw. Tinext ko pa si Mike ng: Darnit mike, I look so hot with this ipod on.

Tapos, yung exchange gift naman naming ni Dan at Sharie. Alam na naming ang ibibigay sa bawat isa. May wishlist. Puro libro. Pero ang malupit nun, sabay sabay din kami bibili. Kaya parang kami na rin ang bumili ng sarili naming regalo. But the thought of giving makes it more fun. Ang tagal naming sa Fully Booked. Ikot ng ikot. Nagiba iba ang gusto. Nagiba iba ang ugali ng bawat tao. Si Dan, nagtransform bilang isang Lemony Snicket. Si Sharie, naging organizer. Ako, naging ipod dhuffle. Naks. Labo.

So, binili pa rin naming ang gusto ng bawat isa. Masayang karanasan. Magulo. Gumuguhit ng ngiti sa bawat mukha. Nagpapatulo ng luha sa bawat pisngi. Nakakapagpatigas ng laman sa binti. Tila hindi ka na makagalaw dahil sa sobrang galak. At hindi gulat. Binigyan nila ako ng Tuesdays with Morie ni Mitch Albom at Hard-Boiled Wonderland and the End of the World ni Haruki Murakami. Hindi ko pa sila mabasa dahil sa thesis ko. Nakakaguilty.

Tapos, ayus din nung isang gabi. Nakadating ako sa bahay ng mga 11pm. Pag pasok ko sa kuwarto ko, may malaking regalo. At ang laman ay ang back pack na gusto ko. Binigay ito sa akin ng kuya ko. At siyampre, kasabwat na naman si Wichan. Ang sarap isuot. Kahit siguro panyo lang ang dala ko, yun pa rin ang dadalhin ko. Parang pambundok, pero hindi tower. May back support, kaya marsarap gamitin.

Naaalala ko pa noon, nabanggit k okay Wichan na hindi na ako magkakaroon ng bck pack na iyon. Masyafong mahal upang ako ay makabili. Pero pinagpilitan niyang kailangan ko ito. Dahil madalas, dala ko ang buong bahay ko. Mabigat lagi ang bag ko. Kaya bagay sa akin ang may back support. Gatas lang yan. Puwede na.

Anlupit talaga. Halos lahat na ng nasa wishlist ko ay nakuha ko. Pero may kulang pa. Di ko pa maramdaman ang peace on earth.

Nagyon, ang nararamdaman ko ay gutom. Ang bango ng kare kare dude. Labo.

1 Comments:

At 2:12 AM, Anonymous Anonymous said...

Daming kuwento. Mas madami pa sa nakain ni Sharie.

Ngayon lang ako na-impress sa writing mo. Ahahaa, kawawa naman si ayi. Pero, it's true, true, true.

...At sa pizzang iuuwi ko sana.

Garapal ka.
-Putopao ko pagkatapos ng misa.
-Fried chicken nila pepe.
...ngayon, pizza naman?! kekekeke

 

Post a Comment

<< Home

Takipsilim (c) Pao
Layout (c) Angeli
Image (c) Pao

Since 2005
?