Ang Pag-takas
Ang Pag-takas
Paolo Ruiz
Unti-unti tayong kinakain,
Habang tumatagal, napapansin, dumidilim.
Linalamon ng mga aninong sakim,
Bawa't araw, ang sugat ay lumalalim!
Habang nakikita ang mga pangyayari sa ating sosyedad,
Katawan ng kapalaran ay dumudugo't lumilipad.
Tangay-tangay ang mga munting pangarap na minsan lamang napagtanto,
Maiitim na sikreto na ibinaon sa linilimot na kahon ay ilalantad!
Sa pagtapak ng mga paa sa landas ng katotohanan,
Iba't-ibang uri ng kamalayan ang nasasaksihan.
Subalit ipinagkakait ang pagkakataong hawakan ng mga kamay ang isinasaad,
“Hayaan mo silang tumakbo ng hubo't hubad!”
Hihintayin na lamang ba natin ang panahong tayo ay lalaya?
At tatakbo, mawiwindang, at hihiga sa baga?
O aakyatin ang tulay na magdadala sa kaligtasan,
Buong tapang! Buong tapang! Buong tapang!





Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. 
0 Comments:
Post a Comment
<< Home