Palikuran
Alas-otso na nang umaga,
Ako ay gigising na,
Mayroon ako’ng misyon,
Ang pumasok sa iskwela.
Ngunit ano itong aking nararamdaman?
Sumasakit ang aking tiyan,
Dapat ko na ba siyang pagbigyan,
O pumunta na sa dapat puntahan.
Oras na ng tanghalian,
Parang, hindi ko na mapigilan,
Kumakatok sa aking isipan,
Gurlis ng kalooban.
Ako ay nahihirapan,
Nanlalamig, pinagpapawisan,
Pero dapat ko siyang labanan,
Sariling pangalan, dapat pangalagaan.
Panahon na upang klase ay liban,
Hindi ko pa rin makalimutan,
Hangga’t ako’y nadaan,
Sa sampung pisong palikuran.





Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. 
0 Comments:
Post a Comment
<< Home