Dahon
Hindi pa maintindihan,
Tulad ng isang insekto sa lupa,
Nabubuhay, inaapakan,
Nakikipagsapalaran,
Sa mapagbintang na hangin,
Na lumalason sa isip ng bawat nilalang,
Habang ang aking kapalara’y,
Wala pa ring kasiguraduhan.
Minsan lang ako tutubo,
Madalas pang paglaruan,
Ng mga bagyong kakampi ng unos,
Na puro mapagmalaking kasinungalingan,
Ang itinatatak sa aking kaluluwa,
Ngunit wala akong magawa,
Kundi ang sumunod sa kanilang daloy,
Matangay ng kasakiman,
At mailibing panghabang-buhay sa karimlan.
Minsan lang ako tutubo,
Hindi ko pa masaksihan,
Ang mga pangyayaring,
Magbubungkal sa aking pagkabaon,
Sapagkat mga mata ko’y tinatakpan,
Ng mga ulap na hindi makatarungan,
Na pilit ipinagkakait sa akin,
Ang simpleng mithiin,
Kasagutan.
Minsan na lang ako tutubo,
Hindi pa maintindihan,
Minsan na lang ako tutubo,
Madalas pang paglaruan,
Minsan na lang ako tutubo,
Hindi ko pa nasaksihan.
Kailangan ko ng tulong,
Na puputol sa marupok na kadenang naka-ikot,
Sa katawan kong napagsamatalahan.





Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. 
0 Comments:
Post a Comment
<< Home