Bampira
May suot ka pang antipara
Nakaupo ka lang sa may bato
Tila may hinihintay na multo.
Di nagtagal
Kakausapin mo rin pala ako
Medyo, hinintay ko rin iyon
Pati ikaw, suma-sangayon.
Pero bakit parang lumalayo ka?
Ano ba ang iyong nakita?
Hindi naman kita sasaktan
Halika, nang iyong malaman.
Oh, nakita mo na?
Wala ka lang kasing tiwala
Balang araw, babalik ka rin sa akin
At sasabihin “Salamat, masamang hangin."





Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. 
0 Comments:
Post a Comment
<< Home