taken by PAO <3Pao. music, long walks, illustrating dreams, tennis, films, collecting memories, gigs, fruit juices, posters, scribbles, choosing. Flickr. Folio. more?

 

Past

Reads

Dan. Migs. Pepe and Jin. Vins. AR. Ailene. Gigi. Bryant. Crizzy. IE. Dean. Joeven. Jessica Zafra. Ich. Fred. RSio. Saab Magalona. Ping Medina. Closa.

Support

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from Tela at Tinta. Make your own badge here.

Support Tela at Tinta Designs
Buy a shirt now!

Inspiration
Inksurge
Post Secret
Team Manila
The Asylum
Guadakomeda
Hue Visualab
WeWorkForThem
Electrolychee
Designgraphik

Monday, June 20, 2005

Paglubog ng Araw sa Umaga

Biyernes, ika-pito ng gabi. Dinudumog ng mga tao ang Teatro de San Pablo sapagkat magaganap na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pagtatanghal ng dulang “Sa Yakap ng Karagatan.” Hindi mabilang kung gaano kadami ang dumadagsang mga tao noong mga panahong iyon. At isa na doon si Carlo. Isang malaking tagahanga ng teatro. Hanggang ngayo’y pinapangarap pa rin nyang masali sa isang dula. Hindi mapapalitan ng kung ano pa man ang nararamdaman nya tungo dito.

Dumating na ang oras ng pagtatanghal. Ang lahat ay nanatili sa kanilang mga upuan. Nagdilim ang buong paligid. Tumunog ang isang trumpeta na tila nagtatawag ng mga anghel sa kalangitan. Nanahimik na ang lahat. Binuksan ang isang maliit na ilaw sa entablado at may isang aktor na nagsalita. Nagsimula siya sa isang maikling tula.

“Isang trahedya,

kabaliwan, kinasusuklaman,

ang bawat walang laban,

kanilang buhay, binawian.

Ngunit hindi siya napigilan,

Kanyang pagmamahal, ipinaglaban,

Hindi iniisip ang naging kamalian,

At ang kanyang pusong nasugatan.”

Muling tumunog ang trumpeta. Lubhang nabighani si Carlo sa tulang kanyang narinig. Lalo siyang naging interisado sa panonood. Hanggang sa may nakapukaw ng kanyang pansin. Isang babae, umupo sa may gawing kanan, katamtaman ang tangkad, may bilugang mga mata, ginintuang buhok, at mapupula ang labi. Lumiwanag ang paligid ni Carlo sa gitna ng kadiliman sa loob ng teatro. Nahati ang kanyang atensyon sa panonood at sa pagsilay sa napakagandang binibini na kanyang nakita. Habang naririnig niya ang mga sinasabi ng mga aktor, tinitignan naman nya ang mala-anghel na kagandahan ng binibini na mukang intrisadong interisado rin sa panunuod.

Ngayon naman, tinignan ni Carlo ang entablado pansamantala, nang biglang tumayo ang binibini at umalis. Hindi ito namalayan ni Carlo.

Tuloy ang dula. Halatang lahat ng tao ay hindi magagambala sa panunuod ng pagtatanghal. Tumingin si Carlo sa kinauupuan ng napakagandang binibini. Wala na siya doon. Napag-isip si Carlo. Nakaramdam sya ng malaking pagkukulang. Para siyang tinangalan ng kaluluwa ng kung sino man. Siya ay nagpasyang hanapin ang magandang binibini. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumabas ng kwarto. Pilit niyang hinanap ang binibini. Halos hinalughog na niya ang bawat lugar ng Teatro de San Pablo ngunit wala ni isang senyas ng binibini. Labis na kalungkutan ang kanyang naramdaman. Binalak na lang niyang bumalik sa loob ng kwarto upang manuod. Ngunit hindi pa siya nakakarami ng hakbang ay nasinagan na nya’ng muli ang ang kanyang hinahanap. Patungo ito sa labas.

“Binibini! Nais kong malaman! Ano ang iyong pangalan?”

Napahinto ang binibini sa paglalakad. Lumingon ito sandali kay Carlo, napangiti ng kaunti at sinabi:

“Karen. Ako si Karen.”

Natulala si Carlo sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa ngyari. Hindi siya makapaniwala na sinagot ni Karen ang kanyang katanungan. Halos madurog ang puso niya sa kagalakan. Sinundan niya ito sa labas. Hinabol niya ito.

“Binibini! Hintay sandali!”

Napahinto si Karen. At nagsalita ng pabiro.

“Napakadaya mo. Binigay ko ang pangalan ko, ngunit hindi mo man lang sinabi ang sa iyo.”

Ngumiti si Carlo. At nagsalita habang hinihingal.

“Pa…pasensya na… Ako nga pa…pala si Carlo. Ikinagagalak kitang makilala.”

Hinawakan ni Carlo ang kamay ni Karen at hinalikan ng may pag-galang.

“Carlo pala ang pangalan mo. Ikinagagalak rin kitang makilala ngunit kailangan ko nang mauna at ako ay may pupuntahan pa.”

Nagtaka si Carlo.

“Hindi mo na ba tatapusin ang dula? Sayang naman, wala pa ito sa kalahati. Halika, sumama ka sa akin sa loob, panuorin natin ito. Sinisigurado ko, magugustuhan mo ito.”

“Huwag na lang. Maraming beses ko nang nasaksihan ang dulang iyan. Kabisadong kabisado ko na ito. Maaari ko na ngang sabayan ang bawat linya ng mga aktor.”

Nabighani si Carlo.

“Ibig mong sabihin, pinipuntahan mo ang bawat pagtatahal ng dulang ito?”

“Hindi naman sa ganoon. Basta, mahabang istorya. Saka ko nalang sasabihin sa iyo pag muli tayong nagkita.”

Naglakad si Karen at pumara ng masasakyan.

“Sandali lang Karen! Paano ko masisiguro na magkikta tayong muli? Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira.”

Muling lumingon si Karen.

“Alam ko. Alam kong dadating ulit ang panahon na magkikita tayo.”

Sumakay na si Karen at umalis.

Hindi na tinapos ni Carlo ang dula. Nagpasya na rin siyang umalis. Naisip niyang pumunta muna sa paborito niyang parke. Ang Parke ng Santo Domingo. Pumara siya ng masasakyan. Sumakay, at nag-isip. Nababalot ng katanungan ang kanyang kaisipan.

“Saan kaya nagpunta si Karen? Ano ang kanyang balak? Magkikita pa kaya kami? Ano kaya ang kanyang istorya? Dapat ko na lang ba siyang hanapin?”

Gulong gulo si Carlo. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Huminto ang kanyang sinasakyan. Dumating na pala siya sa Parke ng Santo Domingo. Nagbayad siya at bumaba. Sinimulan niyang maglakad-lakad, magpahangin, at sinubukang malaman ang mga kasagutan sa gumugulo sa kanyang isipan. Nang biglang may narinig siyang boses.

“Carlo?"

Pamilyar ang boses na iyon kay Carlo. Nilingon niya ang lugar kung saan ito nanggaling. Nagulat nalang siya nang nakita niya si Karen.

“Karen?! Ano’ng ginagawa mo dito?!”

Nasaksihan na naman ni Carlo ang busilak na ngiti ni Karen.

“Eto yung sinasabi kong pupuntahan ko kanina. Dito ako madalas kapag wala akong magawa. Paborito ko ang parkeng ito. Ikaw? Bakit nandito ka?”

“Ako? Ah…eh…wala naman. Nagpapahangin lang… ah…eh… ang totoo nyan eh, paborito ko rin ang parkeng ito. Madalas din ako dito.”

“Eh, bakit hindi tayo nagkikita?”

“Ewan ko. Bakit nga ba?”

Napatahimik silang dalawa. Tila hangin lang ang tanging maririnig. Biglang nagsimulang maglakad si Karen. Sumunod si Carlo.

“Karen, ano nga pala yung dapat na ikikuwento mo sa akin?”

“Ah! Oo nga pala. Sige, umupo muna tayo. Ikukuwento ko sa iyo.”

Naghanap ng mauupuan ang dalawa. Nakakita sila sa may ilalim ng punong Mangga. Naupo ang dalawa at nagsimula nang magkuwento si Karen.

“Carlo, ganito kasi yan. Dati akong miyembro ng dulang iyon at umalis ako.”

Nagulat si Carlo.

“Ano?! Eh bakit ka pa umalis?! Hindi mo ba alam na pinapangarap kong makasali sa isang dula tapos ikaw, aalis nalang!”

Mali ang iniisip mo. Umalis ako dahil may masamang nangyari. Nabuntis ako ng kasamahan ko sa pag-arte. Isa rin siyang aktor kumbaga. Hindi niya pinanagutan ang kanyang nagawa.”

Lalaong nabigla si Carlo.

“I…ibig mo…mo’ng sbihin, may a…anak ka na?”

“Dapat. May anak na sana ako kung hindi ko ito ipinalaglag.”

“Bakit mo ginawa iyon?! Malaking kalokohan iyon!”

“Alam ko. Masyado pa akong bata noong mga panahong iyon. Hindi ko pa alam ang mga dapat kong gawin. Kaya matapos kong ipalaglag ang bata, umalis narin ako sa teatro. Magiiwan lang iyon ng mag masasamang ala-ala.”

Bigla nalang yinakap ni Karen si Carlo.

“Carlo, Kailangan kita…”

***

Ang susunod na namalayan na nangyari ni Carlo ay nakahiga siya sa kama. Tinignan niya ang relo niya at nakitang alas diyes na ng umaga. Sinilip niya ang kalendaryo at nalamang biyernes pala noong araw na iyon. Medyo natagalan bago niya natangap na panaginip lang ang lahat.

Sinubukan niyang pumunta sa Teatro de San Pabo noong umagang iyon. Gumayak lang siya sandali at pumara ng masasakyan.

Tumigil ang sasakyan. Bumaba si Carlo. May nakahuli ng atensyon niya. Isang binibini, katamtaman ang tangkad, may bilugang mga mata, ginintuang buhok, at mapupula ang labi. Agad-agad niya itong nilapitan.

“Karen! Karen ako ito! Si Carlo!”

Lumingon ang binibini. Si Karen nga ang kanyang nakita. Lubos na nagalak si Carlo.

“Sino Ka? Hindi kita kilala. At paano mo nalaman ang pangalan ko?”

Doon unang naramdaman ni Carlo ang paglubog ng araw sa umaga…

1 Comments:

At 7:27 PM, Anonymous Anonymous said...

ui ang ganda naman ng kwento kaso panaginip lang..hehe..ui lam mu ba parehas ng pangalan ko ung karakter na si carlo at ung karakter na babae ay pangalan ng crush ko..nakaktuwa noh..hehe..kaya nagka-interes akong basahin,.hehe ang ganda talaga!!

 

Post a Comment

<< Home

Takipsilim (c) Pao
Layout (c) Angeli
Image (c) Pao

Since 2005
?